Batang musmos pinag-shabu ng kanyang tiyuhin sa CamSur
Batang musmos pinag-shabu ng kanyang tiyuhin sa CamSur
Viral sa social media ang isang 3-taong-gulang na batang lalaki at walang kamuwang-muwang pinag-shabu ng kanyang tiyuhin sa Libmanan Camarines Sur.
Ayon sa post ni Joselito delos Santos, alyas Kervin Lim, ama ng bata, tinuruan di umano ng tiyuhin na si Jericho Rosano ang kanyang anak na gumamit ng ilegal na droga.
Dagdag pa sa ama ng bata, isang adik daw ang tiyuhin. Habang mahigit 2-taon namang hiwalay sila ng kanyang asawa na si Sarah Bajamonde.
Sinisi nito ang kapabayaan sa bata, hindi rin di umano ibinigay sa kanya ang pangangalaga at nakuha pang mag-post sa social media.
Nanawagan ang ama sa publiko na sana ay matulungan siya sa pagbawi sa pangangalaga ng bata at maipapakulong ang nasabing tiyuhin.
Post ng ama sa Facebook:
“tignan nyu mabuti ang walang ka malay malay na batang ito tinuturuan nya mag shabu ang bata. yan tito nya na si jericho rosano isang adik ng libmanan camarines sur sa naga anak q po yan. yan ba dapat na ituro sa bata. pasikatin nyu po yan ng makulong pinapabayaan lang nila ang anak q ayaw nila ibigay sakin tapos mag popost ng ganyan dapat jan ipakulong sana po matulungan nyo po aq mabawi ang anak q”
Samantala, nag post din sa social media si Samantha Lim, kapatid ng ama ng bata. Kinukondina nito ang maling gawain ng dating asawa ng kanyang kapatid na si Sarah Bajamonde, na siya namang kasalukuyan na nangangalaga sa bata.
Panawagan niyang ibalik ang pamangkin sa poder ng kanyang kapatid.
Basahin ang post ni Samantha Lim sa Facebook:
“Hoy Sarah Bajamonde !anong klase kang nanay at pati batang walang kamalay malay tinuturuan nyo magshabu!!!kung di mo kayang alagaan yan ibigay mo nalang s kuya ko yan!!matagal nya n kinukuha ayaw mo ibigay!!kahit ipahiram ayaw mo din!!…saan kaya pwede ireklamo tong mga to?!!nakakapunyemas eh!!!”
Comments
Post a Comment