Erich Gonzales, sugatan; Lovi Poe, namaga ang leeg sa sampalan

Sugatan si Erich Gonzales matapos ang isang mainit na eksena nila ni Lovi Poe.

Ayon sa Instagram post ni Ahwel Paz, duguan ang kamay ni Erich nang mahiwa sa hikaw ni Lovi Poe na nakasampalan niya sa shoot ng isang eksena para sa pelikulang "The Significant Other".

May mga bakas din ng dugo ang suot ni Erich.
Base rin sa post, nanginiginig sa takot si Erich matapos mahiwa ang kamay.
Maging si Lovi Poe, namaga ang leeg dahil sa on-cam away nila ng co-star.

Nag-sorry si Lovi matapos ang Eksena.
Naiwan naman si Erich sa backstage na umiiyak.

Inihinto muna ang shoot dahil sa insidente..

Sa isa pang Instagram post, nasilip ang umaatikabong sampalan ng dalawang aktres na in-character at nag-aagawan para sa karakter na ginagampanan ni Tom Rodriguez.
Comments
Post a Comment